This is worth reading:
HINDI mo kailangan sagutin ang quiz na ito. Basahin mo lang, makukuha mo na ang punto — na napakahalaga.
1. Ibigay ang limang pinaka-mayayamang tao sa mundo.
2. Ibigay ang limang huling nagwagi ng Nobel Peace Prize.
3. Ibigay ang limang huling world heavyweight boxing champions.
4. Sabihin ang limang huling Film Festival best actors o actresses sa Oscars.
5. Sabihin ang limang huling Miss Philippines.
6. Sabihin ang limang huling kampeon ng Philippine Basketball Association.
Hindi mo kaya, ano? Kasi, wala sa ating nakakaalala sa headline-makers ng kahapon. Hindi sila mga pipitsugin, Mga numero uno sila sa kani-kanilang larangan. Pero napapawi ang palakpak. Kumukupas ang medalya. At nakakalimutan ang mga gantimpala. Inililibing ang mga tropeo at sertipiko kasama ng mga yumaong may-ari.
Pero heto ang isa pang quiz. Tingnan mo kung maipapasa mo.
1. Maglista ng limang guro na tumulong sa iyo sa lakbay mo sa edukasyon.
2. Maglista ng limang kaibigang tumulong sa iyo sa panahon ng kagipitan.
3. Maglista ng limang tao na may naituro sa iyong kapaki-pakinabang.
4. Isipin ang limang tao na pinaramdam kang espesyal at mabuti.
5. Isipin ang limang tao na masayang kasama.
6. Isipin ang limang bayani na nag-inspira sa iyo.
O di ba madali? Aral: Ang mga tao na pinaka-mahalaga sa iyo ay hindi ‘yung mga mararaming titulo o pera o panalo. Sila ‘yung mga nagmalasakit para marating mo kung saan ka ngayon...
Sapol
ni: Jarius Bondoc
Pilipino Star Ngayon

No comments:
Post a Comment